Narito ang mga nangungunang balita ngayong MONDAY, SEPTEMBER 20, 2021:
- DOH: Pagbabakuna sa mga edad 12-17 taon, target masimulan sa oktubre | ilang LGU sa Metro Manila, sinimulan na ang vaccine registration para sa mga 12-17 anyos
- Alert level 4 at granular lockdown sa National Capital Region, posibleng mapalawig hanggang Oktubre
- Fetus na ibinalot sa plastic, natagpuan sa kalsada
- H. Santos St. sa Brgy. Tejeros, Makati, naka-granular lockdown dahil sa pagsipa ng mga kaso ng COVID-19
- Mga bago at aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba kahapon
- LPA, inaasahang lalabas ng PAR ngayong umaga;
- ITCZ, nakaaapekto sa southern Luzon, Visayas, at Mindanao
- Ilang lugar sa Alabel, Sarangani, binaha dahil sa malakas na ulan | Ilang bahay sa General Santos City, pinasok ng baha | Malakas na hangin at ulan, namerwisyo sa ilang bayan sa Cotabato at South Cotabato
- Dating DSWD Sec. Dinky Soliman, pumanaw na sa edad na 68
- Ilang magpaparehistro para makaboto sa eleksyon 2022, nakapila na mula pa madaling araw
- Mga commuter sa Commonwealth Ave., marami na
- Grenada, Papua New Guinea, Serbia, at Slovenia, kasama na sa red list ng Pilipinas
- Derek Ramsay, namanhikan na sa pamilya ni Ellen Adarna
- La Palma Volcano sa Spain, sumabog
- PAGASA thunderstorm advisory
- DILG: Mga close contact at may sintomas ng COVID-19, puwedeng makulong kapag tumangging magpa-test
- Pulis na nangikil umano ng P300,000 para ayusin ang isang kaso, arestado
- Boses ng Masa: Sang-ayon ba kayo sa pagmamarka sa bahay ng COVID-positive at quarantined close contacts?
- Panayam kay Pateros Mayor Miguel Ponce III
- Clinical trials sa 8 nasal spray vaccines kontra-COVID, gumugulong na
- Panayam kay DOH USec. Maria Rosario Vergeire
- Corporate secretary at compliance officer ng GMA Network na si Atty. Roberto Rafael V. Lucila, pumanaw na
- Direk Mark Reyes, may pa-sneak peek sa first look nina Prinsipe Zardoz at Zandra ng "Voltes V: Legacy"